Top StoriesZambo Flash Report

Hinihinalang Gun-for-hire Personality Patay Matapos Manlaban sa Pinagsanib Puwersa Na Counter Strike St Stop-and-Frisk Operation Ng PNP

Patay ang isang lalaking hinihinalang gun-for-hire personality matapos manlaban sa ikinasang pinagsanib puwersa na counter strike at Stop-and-Frisk operation ng PNP sa Purok Saging, Barangay Don Jose, Dinas, Zamboanga Del Sur

Kinilala ang napatay na suspek na si Jun Delos Reyes, alyas Tabilong, 32 anyos na residente sa Pagadian City.

Ayon kay Police Chief Superentendent Emmanuel Luis Licup, Regional Director sa Rehiyon Nwebe, una ng nakipagbarilan ang nasabing suspek sa mga operatiba sa Barangay Legarda uno, sa nasabing bayan at natakasan ang mga pulis.

Ngunit sa kanilang isinagawang hot-pursuite operation ay muli umanong nakipagbarilan ang suspek sa isang check point sa Barangay Don Jose na naging dahilan sa kanyang agarang kamatayan.

Nakuha sa crime scene ang isang kalibre kwarentay singkong baril, na may tatlong bala, isa pang kalibre trentay otsong baril na may apat na bala at mga basyo ng bala sa mga nabanggit na baril.

Wala naman nasugatan sa panig ng pnp.







Zambosurian Administrator
The No. 1 Online Newspaper for ZamboSur! Get the very latest News & Issues, Music & Nightlife, Arts & Culture, Film, Food & Drink from Zamboanga Del Sur’s Newest Online Newspaper – Updated 24/7!
follow me
×
Zambosurian Administrator
The No. 1 Online Newspaper for ZamboSur! Get the very latest News & Issues, Music & Nightlife, Arts & Culture, Film, Food & Drink from Zamboanga Del Sur’s Newest Online Newspaper – Updated 24/7!
follow me
Latest Posts
  • TTony Cerilles Drug Protector

Comment here